-- Advertisements --

Umani nang batikos mula sa ilang netizens si House deputy speaker Johnny Pimentel matapos umano nitong awayin at intrigahin si San Jose Del Monte(SJDM), Bulacan Representative Rida Robes.

Una nang pinagalitan ni Pimentel si Robes nang magdesisyon ang kinatawan ng SJDM na lumipat sa National Unity Party (NUP).

Aniya, inabandona ng party leaders ang karamihan sa kanilang party noong Martes sa kasagsagan ng pagtatalaga ng Committee Chairmanships at membership.

Sinabi rin ni Pimentel na ang desisyon ni Robes na tumalon sa NUP ay ginawa nito “in bad faith” dahil ang paglipat umano niya ay nangyari nang siya ay pangalanan bilang chairperson ng Committee on People’s Participation na ipinagkaloob sa kanya ng PDP congressional leaders.

Pero ayon sa ilang mga aupporters ni Robes, marahil may dahilan ang paglipat ng kongresista ng SJDM sa NUP.

Gayunman sinabi ng isang Win Adazul na nagkomento sa isang artikulo sa balita hinggil kay Robes, mas mainam siguro kung deretsahan na kinausap na lamang ng personal ni Pimentel si Robes sa halip na ibulalas ang kanyang galit sa pamamagitan ng media.

Sabi naman ng isang Heather Lombre, hindi nang-iwan ang kanilang kinatawan na si Robes at batid umano ito ni Pimentel bilang deputy speaker.

Binatikos din nito si Pimentel sa pagiging “disrespectful” sa babae.

May iba namang nagsabi walang “balls” si Pimentel dahil hindi nito harapan na kinompronta si Robes at sa halip ay sa media nag-ngangawa.

Sinabi naman ng isang taong malapit kay Robes na sa halip na buweltahan ang mga malisyosong paratang ni Pimentel ay mas nanaig sa kongresista ang lubos na pagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga kapwa mambabatas.

“She has always been pro-people. Nagpapasalamat siya sa chairmanship na ibinigay sa kanya at sa tiwala” tugon pa ng kaibigan ni Robes na si Don Mogarte.