-- Advertisements --

Narekober ng Israel Defense Forces (IDF) ang tatlong bangkay ng bihag sa isang tunnel sa Gaza strip.

Ayon kay IDF spokesperson Rear Adm. Daniel Hagari na kinilala ang mga ito na sina Shani Louk, Amit Bouskila, at Itshak Gelernter.

Ang mga biktima ay dinukot ng mga Hamas noong Oktubre 7, 2023 sa Nova Music Festival.

Bahagi ang mga biktima sa kabuuang 240 kato na binihag at dinala ng mga Hamas sa Gaza.

Noong Nobyembre ay mayroong mahigit 100 na bihag na ang napalaya kung saan naniniwala ang Israel na mayroon pang mahigit 100 bihag ang hawak pa ngayon ng mga Hamas.

Labis naman ang kalungkutan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ng mabalitaan ang nasabing pagkakarekober ng mga bangkay sa Gaza.

Pagtitiyak din nito na gagawin nito ang lahat ng paraan para mapalaya ang mga bihag.

Magugunitang nagmatigas si Putin na hindi ito makikipagkasundo sa Hamas hanggang hindi tuluyang napapalaya ang mga bihag at mabura ang mga Hamas terror group.