-- Advertisements --

Nangunguna bilang sanhi ng mga sakit sa buong mundo ang mga kondisyon na nakaaapekto sa nervous system gaya ng strokes, migraines, at dementia, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng US-based Institute for Health Metrics and Evaluation. 

Mahigit 3.4 bilyong katao o 43% ng global population ang nakaranas ng neurological condition noong 2021. 

Ayon sa lider ng isinagawang pag-aaral na si Jaimie Steinmetz, ang nervous system conditions na ang “world’s leading cause of overall disease burden.”

Mahigit 443 million years of healthy life ang nawala dahil sa nerve system disorder sa buong mundo noong 2021. Ito ay mas mataas ng 18% sa isinagawang pag-aaral noong 1990. 

Itinuturing ang stroke na worst condition matapos maging dahilan ng pagkawala ng 160 million years of healthy life. Sinundan ito ng brain damage na kung tawagin ay neonatal encephalopathy, migraine, dementia, Alzheimer’s disease, meningitis, at epilepsy. 

Sa ibang pag-aaral naman na isinagawa ng The Lancet Neurology journal, mahigit 11 milyong katao naman ang namatay dahil sa 37 neurological conditions noong 2021. 

Sa kabila nito, nananatiling cardiovascular disease pa rin ang leading cause of death sa mundo matapos kumitil ng 19.8 milyon na buhay noong 2022.