-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ng dating actress na si Neri Naig ang pagtatapos nito sa kolehiyo.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng larawan ng graduation niya sa University of Baguio.
Buong suporta naman ang asawa nitong Parokya ni Edgar lead singer Chito Miranda na sumama sa pagtanggap nito ng kaniyang diploma.
Nagtapos ito ng degree in business administration sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.
Dagdag pa nito na kahit na sa edad niyang 36 ay hindi par rin ito tumigil sa pag-aaral.
Pinayuhan niya ang mga tulad niyang ina na huwag isuko ang pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral.
Noong 2020 rin ay natapos rin niya ang ng online entrepreneurship essentials program ng Harvard Business School.