Inanunsyo ni Negros Oriental Gov. Manuel Sagarbarria na nagsasagawa na ito ng initial talks at stages para sa pagconvert ng Kapitolyo bilang isang museo na isa pa umano sa kanyang mga planong programa para sa lalawigan.
Sinabi ni Sagarbarria na pagpasok pa nito sa session hall ng Kapitolyo, napansin pa nitong parang may kulang lalo na umano ang mga larawan ng mga provincial governors at vice governors na dapat sana’y itampok anuman ang partido nito.
Sakaling maisakatuparan pa itong gawing museo, sinabi ng opisyal na mas mapapaganda pa ito at mai-highlight ang mga nagawa ng mga nakaraang gobernador ng Negros Oriental.
Alam naman umano nitong maraming mga historical artifacts doon na maaaring magamit at kung anuman ang mayroon ang mga local government units ay maaari naman umanong i-showcase doon.
Samantala,binigyang-diin pa ng gobernador na ang mga prayoridad na mga proyekto nito ay ang kalusugan at turismo.
Dati pa man ay pangarap na umano nitong paunlarin ang turismo.
Dagdag pa, balak din nito ang isang tourism roadshow para sa buong lalawigan kung saan pinapatawag pa nito ang iba’t ibang sektor upang humingi siya ng suporta at mga inputs.
Tiniyak pa ng gobernador na bibisitahin niya ang lahat ng magagandang tourist sites sa lalawigan at susuportahan ang bawat Munisipyo o Programang Turismo ng mga Lungsod upang mapalakas ang ekonomiya at makalikha ng mga trabaho.