-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutukan ng pulisya ang anggulo ng lending dispute ang dahilan kung bakit binaril-patay ang negosyanteng Israeli national habang lulan nang minanehong motorsiklo sa 11th – 20th Streets,Barangay Nazareth,Cagayan de Oro City.

Kinilala ni Nazareth Police Station commander Maj Allan Cairel na si Reuven Baranovitch,nasa legal na edad at matagal nang naninirahan nitong lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya,nagtamo ng anim na tama ng mga bala sa kalibre 45 na baril ang biktima dahilan ng kanyang agaran na pagkasawi.

Si Baranovitch ay umano’y notado na istrikto sa patakaran ng kanyang lending services kung saan mayroong ilang mga kliyente ang kinasuhan sa korte dahil bigo na makapagbayad.

Ito ang dahilan na naniniwala ang pulisya na maaaring ang ilang kliyente na naka-alitan ng biktima ang tumira nito kagabi.

Kung maalala,dati nang dumulog ang biktima sa himpilan dahil sa kanyang mga reklamo noon na umano’y corrupt ang iilang mga kawani ng gobyerno.