-- Advertisements --

Ibinunyag ng isang Taiwanese tycoon ang kaniyang plano na isailalim sa training ang mahigit tatlong milyon ( 3 million) civilian warriors.

Trabaho ng mga ito ay upang tumulong na ipagtanggol ang democratic island laban sa gagawing pananalakay ng China.

Si Robert Tsao, pitumpu’t limang (75) taong gulang, isang mayamang negosyante sa Taiwan kung saan siya ang founder ng major microchip maker United Microelectronics Corp (UMC).

Lalo siyang naging walang pigil sa pagsasalita laban sa Beijing, at lumabas ang kaniyang donasyon pagkatapos na magpakita ng malaking puwersa ang China upang iprotesta ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taipei noong nakaraang buwan.

Ang Taiwan ay nabubuhay sa ilalim ng patuloy na banta ng pagsalakay ng China, na nagsasabing ang isla na pinamumunuan ng sarili bilang bahagi ng teritoryo nito ay sakupin isang araw – sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.