-- Advertisements --

Nalampasan na ng Indian business mogul na si Gautam Adani si Jeff Bezos bilang pangalawang pinakamayamang tao sa buong mundo.

Ayon sa Bloomberg’s Billionaire Index, nasa ikatlong puwesto na ngayon si Bezos matapos na maungusan ito ni Adani.

Mayroon kasing yaman ito na $146.9 bilyon si Adani habang mayroong $145.8-B na yaman si Bezos.

Umabot lamang sa 10 buwan bago maabot ni Adani ang pangalawang puwesto mula sa dating pang-14 na puwesto.

Siya rin ang unang katao mula sa Asya na umabot sa ikalawang puwesto sa Billionaires list ng Bloomberg.

Nananatili pa ring nasa unang puwesto si Elon Musk na mayroong yaman na $260 bilyon.