CENTRAL MINDANAO-Tukoy na ng mga otoridad ang person of interest na bumaril patay sa isang negosyante sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Condrado Flores Gutierez,57 anyos,may asawa at residente ng Barangay Takepan Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Major Maxim Peralta na kakarating lang ng biktima sa kanyang tahanan at hindi pa nakakababa sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ito ng suspek sa kanyang garahe gamit ang M16 Armalite rifle.
Agad namang tumakas ang suspek na sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.
Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay ng magtamo ng limang tama ng bala sa kanyang katawan.
Awayan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.










