-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng babaeng negosyanteng natagpuang wala nang buhay loob ng kanyang bahay sa Alibagu, Ilagan City.

Ang biktima ay si Maricar Gumiran, 44, negosyante at residente ng nabanggit na lugar.

Ang City of Ilagan Police Station ay unang nakatanggap ng impormasyon hinggil sa natagpuang bangkay ng biktima.

Kaagad na tumugon ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station kasama ang SOCO team at nagsagawa ng imbestigasyon sa crime scene.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima hindi umano nila matawagan ang sa kanyang telepono kaya’t minabuting nilang magtungo sa bahay nito at doon natagpuan ang duguan na katawan ng negosyante.

Nagpapatuloy ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng Ilagan City Police Station sa posibleng pagkakatukoy kung sino at kung ano ang motibo ng salarin sa pagpatay sa negosyante.