-- Advertisements --

LAOAG CITY – Haharap sa kasong paglabag sa Sec.11 at 12 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug act of 2002, RA 10591 at RA 9516 ang subject ng isinagawang search warrant operation sa bayan ng Bangui.

Nakilala ito na si Roderick Acedo y Villanueva, negosyante at residente a Barangay Baruyen sa nasabing bayan.

Ang search warrant operation ay isinagawa ng mga kasapi ng PDEA RO1- Ilocos Norte Provincial Office, PDEA AIU, Bangui Police Station, RDEU at ang RMFB.

Nakumpiska ng mga otoridad sa bahay ni Acedo ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu, anim na sachet na naglalaman umano ng marijuana leaves at seed, isang magazine ng caliber 4.56 na mayronng siyam na bala at isang Rocket-propelled grenade.

Ayon kay Police Major Julius Basallo, chief of police ng PNP-Bangui, si Acedo ay dati nang naaresto noong 2016 sa pamamagitan rin ng search warrant dahil rin sa paglabag sa RA 10591.

Dagdag nito na si Acedo ay kabilangsa drug watchlist ng PNP at hindi sumuko.