-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang fish vendor sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Abdulrahman Mentang, residente ng Pikit Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya,hinold-up umano ang biktima sa Barangay Batolawan Pikit Cotabato ng mga hindi kilalang suspek ngunit nanlaban ito kaya pinagbabaril.
Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo,tangay ang pera at personal na kagamitan ng biktima.
Naisugod pa ang biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit binawian rin ito ng buhay.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.