-- Advertisements --

ROXAS CITY – Timbog ang isang negosyante sa isinagawang entrapment operation ng mga kasapi ng Criminal Investigation and Dectection Group (CIDG-Capiz) dahil sa pagbebenta ng overpriced alcohol sa Magallanes Street, Barangay 2, Roxas City.

Kinilala ng mga operatiba ang suspek na si Rowelee Custodio, 24-anyos, tubong Altavas, Aklan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, natukoy na online ibinibenta ni Custodio ang overpriced alcohol.

Nakuha mula sa kanya ang 300 bote ng Isopropyl Alcohol at 70 mga printed sticker, P200 na marked money at P7,400 na boodle money.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang naturang suspek.