-- Advertisements --

Dumating na kaninang umaga sa Dumaguete City ang mga players ng Philippine Basketball Association (PBA) kasama ang mga coaches at managers para sa kanilang “On Tour” exhibition series, na naglayong mabigyan ng pagkakataon ang mga mahilig sa basketball mula sa iba’t ibang bayan at lungsod na mapanood ito nang live.

Gaganapin ang laro bukas, Hulyo 15, sa alas 5 ng hapon sa Macias Sports Complex sa pagitan ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots at Rain or Shine Elasto Painters.

Sa ginanap na presscon, nagpaabot ng kanyang suporta at taos-pusong pasasalamat sa Philippine Basketball Association si Gov. Manuel Sagarbarria na napiling maging venue ang kanilang lalawigan sa ‘remarkable game.’

Ayon pa kay Sagarbarria na ang aktibidad ay hindi lamang magbibigay ng kapanapanabik na aksyon sa korte ngunit magtatampok din ng mga nakakaengganyong aktibidad sa halftime, mga giveaways, at mga pagkakataon upang makilala ang mga lokal na atleta at sports personalities.

Maliban pa, magpapalakas din umano ito sa community bond, palakasin ang mga lokal na negosyo, at makapag-akit ang mga bisita sa lungsod at sa iba pang bahagi ng lalawigan.

Samantala, sa panig naman ni Philippine Basketball Association Commissioner Willie Marcial, sabik na sabik na umano itong makabalik sa nasabing lungsod dahil matagal na rin umanong panahon ng huli nilang laro sa lalawigan.