Hinimok ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Kongreso na kaagad aprubahan ang tatlong liberalization bills na magbubukas nang ekonomiya ng bansa sa mas maraming foreign capital.
Sa pagdinig ng House committee on constitutional amendment kahapon, sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon na ang ublic Service Act, Retail Trade Liberalization Act at amiyenda sa Foreign Investment Act ay “urgently needed” ngayong panahon nang pandemya upang sa gayon ay makapaghikayat ng investments na makakapagdulot ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Sa Kamara, aprubado na ang tatlong liberalization bills na ito sa ikatlo at huling pagbasa, pero hindi pa naman halos umuusad ang mga counterpart bills ng mga ito sa Senado.
Samantala, suportado naman ng NEDA ang mga itinutulak ngayong hakbang para amiyendahan ang anila’y restrictive na economic provisions ng Saligang Batas, kabilang na ang proposal na bigyan ang Kongreso ng kapangyarihan para magtakda ng limits sa foreign ownership.









