Nilalatag na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang mga nabuong groundwork para sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.
Ayon kay NEDA Usec. Adoracion Navarro, hinihintay na lang ng pamahalaan kung kailan ang eksaktong petsa para masimulan ang pagsasa-ayos ng mga napinsalang lugar.
“We are starting to lay down the major components of the rehabilitation plan, setting up the framework, but of course without the estimate of the damages, we wouldn’t know what kinds of projects to push for,” ani Navarro.
Aminado ang opisyal na ikino-konsidera rin nila ang aktibidad ng bulkan.
Hindi rin daw kasi makapagsisimula ang gobyerno sa rehabilitasyon kung nasa Alert Level 4 pa rin ang Taal.
Paliwanag ng NEDA, walang dapat ikabahala sa iniwang damage ng kalamidad dahil maliit lang ang epekto nito sa economic growth ng bansa.
“Right now, what we are doing is to look at possible measures to fast-track the rehabilitation like looking at the availability of the resource — the NDRRM fund, what other measures we can implement,” dagdag ni Navarro.
Target kasi ngayon ng pamahalaan na maabot ang 6.5 hanggang 7.5-percent na pag-unlad sa ekonomiya.










