-- Advertisements --
image 76

Nakatakdang pag-aaralan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang posibilidad ng pagsasama ng electric motorcycles sa Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos na maatasan ang naturang ahensya na muling aralin ang naturang kautusan na nagpapatupad ng pansamantalang pagbabago sa mga rate ng import duty sa mga de-koryenteng sasakyan, piyesa, at bahagi.

Ayon kay National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, sesentro ang kanilang pagsusuri sa pagsasama sa mga e-motorcycles sa import tariff incentives sa oras na maipatupad na masimulan na ang kanilang pag-aaral sa Executive Order No. 12 series of 2023 na ipapatupad siyam na buwan mula ngayon.

Ang mungkahing to ay inaasahan aniyang makakatulong sa mga Pilipino na mas pumili pa ng sustainable means ng transportasyon kasabay ng pagpapakilala sa green industry para sa karamihan ng mga motorista sa bansa.

Batay kasi sa naturang batas, makakatanggap ng mas mababang taripa ang iba’t-ibang uri ng electronic vehicles mula sa dating 5% to 30% ay nasa 0% import duty nalang ngayon.

Ngunit hindi pa kasama sa tariff suspension na ito ang e-motorcycles sa bansa na subject pa rin ng hanggang 30% import duty.

Ito ay nakatakdang sumailalim pa rin sa pag-aaral isang taon pagkatapos ng implementasyon nito.

Ang kautusang ito ay inaasahang susuporta sa transition ng paglago ng teknolohiya kasabay ng paghikayat sa mga consumers na kumokonsidera electric vehicles bilang mas malinis at earth friendly na transportation option.