-- Advertisements --

Tututukan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagpapahusay ng labor sector sa bansa.

Kasunod ito sa naging ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong pagtaas ng 95.5 % ang employment rate sa bansa noong Hunyo 2023.

Inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, na mayroong ginagawa ang gobyerno ng pagsasanay at upskilling para lalong tumaas ang employability ng mga Pinoy sa mga trabahong may mataas na pasahod.

Iminungkahi nito ang pakakaroon ng modernong pasilidad para sa vocational education at training upang maging updated at competitive ang labor sector ng bansa at makahabol sa mga makabagong teknolohiya.