Ikinatuwa ng National Economic Development Authority ang tuloy-tuloy na pagbuti sa kalagayan at sitwasyon ng labor market.
Ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, nakapagtala ng year-on-year net employment na 2.3 million o katumbas ng 48.8million domestic emloyement ang labor market hanggang nitong Hunyo ng 2023.
Ito ay kasabay na rin ng unti-unting pagbangon ng akonomiya ng bansa.
Maliban dito, pinuri rin ng kalihim ang pagbaba ng unemployment rate sa 4.5% nitong Hunyo, na mas mababa kaysa sa anim na porsyento noong nakalipas na taon.
Gayonpaman, aminado naman ang kalihim na nananatiling hamon sa bansa ang kalidad ng mga trabaho.
paliwanag nitong mas bumaba ang bilang ng mga nagtatrabaho sa pribadong sektor kumpara sa mga nagtatrabaho sa mga unpaid family work at maging sa mga self-employed. Ang mga nasabing uri ng trabaho ay nasa ilalim ng vulnerable sector.
Malaking hamon din dito aniya ang pagbaba ng mga skilled workers sa buong bansa.