-- Advertisements --

Umapela ng pagkakaisa si newly appointed National Economic and Development Authority (NEDA) Dir. Gen. Karl Kendrick Chua sa kaniyang mga kasamahan sa ahensya, ngayong nahaharap ang bansa sa malaking krisis dahil sa COVID-19.

Ang pahayag ni Chua ay kasunod ng pagbibitiw ni Usec. Adoracion Navarro, matapos una nang bumaba sa tungkulin si dating NEDA head Ernesto Pernia.

Ayon kay Chua, maaaring maapektuhan ang mga pagsisikap ng buong ahensya kung magsisipagkalas ang mga tauhan ng kanilang tanggapan.

Apela nito, tulungan sana siya dahil para sa pangkalahatang tagumpay ang magiging bunga ng kanilang trabaho sa NEDA.