-- Advertisements --

Suportado ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang pagbabalik ng face-to-face classes.

Sinabi ni Balisacan, na gaya ng proposal ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua na makakatulong ito sa ekonomiya at masolusyunan ang education crisis dulot dahil sa COVID-19.

Wala na rin aniya itong nakikitang rason na hindi ito matuloy dahil sa nagiging maayos na ang pagpapabakuna ng bansa laban sa COVID-19.

Nauna nang iminungkahi ng NEDA na tuluyang makakabangon ang bansa kapag mailagay na sa Alert Level 1 ang bansa at mapatupad ang full resumption ng mga klase.