-- Advertisements --
Kinatigan ni National Economic Development Authority Secretary Arsenio Balisacan ang paggamit ng Maharlika Investment Fund para mapalago ang iba’t-ibang sektor ng bansa.
Sinabi nito na dahil sa tuluyang pagbubukas na ng ekonomiya ng bansa ay mahalaga na magkaroon ng pondo na mapagkuhanan ang gobyerno para mapanatili ang mga programa at proyekto ng pamahalaan.
Katuwan nila ang mga economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa pagbuo ng mga polisiya sa pagtataguyod ng Maharlika Investment Fund.
Nauna rito ay magsasagawa na ng pormal na pagdinig ang senado ukol sa nasabing usapin.










