-- Advertisements --
Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Bernardo Rafaelito Alejandro IV na walang naitalang malaking pinsala sa bansa dulot ng bagyong Betty.
Base aniya sa natanggap nilang report mula sa ground, sa kabutihang palad very minimal lamang ang naging epekto ng bagyo kumpara sa naging pagtaya ng ahensya.
Inihayag din ng opisyal na tila tapos na aniya ang worst na epekto ng bagyo dahil palayo na ito sa Philippine Area of responsibility na lampas na sa may Batanes.
Una ng iniulat ng ahensya na nasa kabuuang 11, 264 indibidwal o 2,859 pamilya ang apektado ng bagyong Betty sa bansa.
Nasa kabuuang P1,897,764 naman ang tulong na naibigay na ng gobyerno para sa mga biktima ng bagyo.