-- Advertisements --
senior citizen 2

Umapela naman ang pamunuan ng National Commission Of Senior Citizens sa mga senior na makibahagi sa darating na halalan sa Oktubre-30.

Ayon kay Chairperson Atty. Franklin M. Quijano, kailangang marinig ang boses ng mga nakakatanda sa darating na halalan.

Kailangan aniyang lumabas ang mga ito at piliin ang napupusuang mga kandidato.

Pinaalalahanan din nito ang mga senior na tatakbo na sa naturang halalan na maging organisado, at aktibong makibahagi sakali mang mapili ang mga ito.

AV1 – Chairperson Atty. Franklin M. Quijano

Pagbabahagi pa ni Atty Quijano na dati silang umaasa na magagawan ng COMELEC ng paraan na makaboto na lamang sa kanilang kabahayan ang mga senior, o sa pamamagitan ng electronic.

Gayunpaman, nananatili aniya itong pangarap ng maraming senior.

Umaasa aniya ang buong komisyon na sa mga susunod na panahon ay mapagbibigyan na rin ang naturang kahilingan sa tulong ng mga mambabatas ng bansa.

AV2 – Chairperson Atty. Franklin M. Quijano

Batay sa datos na hawak ng COMELEC, may kabuuang 11.6million na mga senior citizen ang inaasahang boboto sa araw ng Lunes, Oktubre-30 para sa BSKE 2023.