-- Advertisements --

Sinuspendi ng tatlong buwan ang opisyal ng National Senior Citizens Commission (NCSC).

Si NSCS Commissioner Reymar Mansilungan ay inilagay sa preventive suspension dahil sa alegasyon ng gross neglect of duty, serious dishonesty, grave misconduct at gross insubordination.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakitaan ng ilang ebidensiya si Mansilungan ng isinagawa ang preliminary investigation ng Office of the President.

Dagdag pa nito na nagsimula ang suspension niya noong Pebrero 3.

Nagbunsod ang kaso sa reklamo ni Miguelito Garcia noong Agosto 4, 2023 dahil sa pagiging hindi tapat sa kaniyang educational background ng mag-aplay ito bilang NCSC commissioner.