Bubuo ang National Capital Region Police Office ng isang team upang tugisin si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at dati nitong deputy security officer na si Ricardo Zulueta.
Sa isang pahayag ay sinabi ni NCRPO chief PBGEN Jose Melencio Nartatez na ito ay bahagi ng kanilang nagpapatuloy na pagsusumikap sa manhunt operation laban sa dalawa at upang maaresto’t harapin na ng ag ito ang mga kasong inihain laban sa kanila.
Una nang sinabi ni DILG Sec. Benjamin Abalos Jr. na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang manhunt kina Bantag at Zulueta, na pinaniniwalaang mga utak sa likod ng pamamaslang sa beteranong radio broadcaster na si Percy Lapid at middleman na si Cristito Villamor Palana.
Matatandaan ding mayroon nang P2-million na pabuya ang inialok ng Department of Justice sa sinumang makakahuli kay Bantag, habang P1-million naman ang ipinataw para sa makakahuli kay Zulueta.