-- Advertisements --

Nakatakda na raw talakayin ng National Capital Region-Regional Wages and Productivity Board (NCR-RTWPB) ang petisyon ng Traude Union Congress of the Philippines na humihirit na taasan ang sahod dito sa Metro Manila.

Sinabi ni NCR-RTWPB chairperson Sara Mirasol, ang hirit ng TUCP ay kanilang tatalakayin sa Abril 8.

Titignan daw nila kung kailangang isama na rito ang consolidated petitions o hindi na nila ito bibigyan ng due course.

Ang tingin naman daw ni Mirasol ay hindi na across the board ang naturang petisyon at posible naman daw na pagbigyan nila ito.

Ang consolidated petitions ay kinabibilangan daw ng inihain ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) at Metro East Labor Federation maging ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms.

Dagdag nito, ang salary increase na hiniling daw ng grupo ay P213 hanggang P250.

Una rito, sinabi ng TUCP na ibinasura raw ng wage board ang petisyon para taasan ng P470 ang minimum wage earners.