-- Advertisements --

Hindi pa handa ang Metro manila at mga kalapit nitong probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal (NCR Plus) na bumalik sa modified general community quarantine (MGCQ), ayon kay OCTA Research member Professor Ranjit Rye.

Ito ay dahil nananatili pa rin kasing mataas ang average number ng bagong COVID-19 cases sa NCR Plus, na umaabot pa rin sa humigit kumulang 1,000 kada araw.

Ang posisyon aniya nila sa OCTA, titingnan muna nila ang mga available na datos para sa magiging bagong desisyon.

Pero kung ngayon aniya gagawin ang desisyon para rito, sinabi ni Rye na hindi pa qualified sa MGCQ ang NCR Plus.

Gayunman, kung ikukumpara sa mga nakalipas na buwan ay bahagyang mas mas maayos na rin aniya talaga ngayon ang sitwasyon.

Subalit maypabagal pa ring naitatala sa paggaling ng mga residente sa NCR Plus bunsod nang pagbubukas nang bahaggya ng ekonomiya.