-- Advertisements --

MANILA – Mananatiling naka-general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa kabuuan ng Enero ng bagong taon, ayon sa Malacanang.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na simula ngayong araw, January 1 hanggang 31, ay GCQ ang community quarantine status ng National Capital Region; Santiago City, Isabela; Batangas province; Tacloban City, Leyte; Iligan City; Lanao del Sur; Davao City; at Davao del Norte.

Ang mga hindi nabanggit na lalawigan at lugar naman ay isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ), na siyang pinaka-maluwag na antas ng quarantine status.

“All other areas are placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ).”

“The abovementioned risk-level classifications take effect today, January 1 until January 31, 2021.”

Nagpatupad ng community quarantine ang pamahalaan para limitihan ang publiko sa iba’t-ibang aktibidad na maaaring magpalala ng pagkalat ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Pinaalalahanan ang publiko na laging magsuot ng face mask, face shield, at sumunod sa physical distancing kapag lalabas ng kanilang mga bahay.