CEBU CITY- Kinumpirma ng Department of Health (DOH-7) na umabot na sa 15 ang PUI o patients under investigation sa 2019- nCoV Acute Respiratory Disease (ARD).
Ipinalabas ng ahensya nga merong 3 PUI’s sa Negros Oriental, 1 sa Bohol Province at 11 na sa Cebu.
Sa pressconference na isinagawa ng DOH-7 nilinaw ni Regional Director Dr. Jaime Bernadas na ang mga PUI ang walang direktang contact sa mga nahawaan ng sakit at ang iba ang may travel history sa China kaya hindi ito dapat pagmulan ng panic.
Sa katunayan ang 11 PUI’s sa Cebu ang hindi lamang mga Chinese National kundi ito’y basi na sa tracing ng DOH.
Tiniyak naman ng ahensya na meron na silang surge capacity accommodations at nakahanda na rin sila kung sakaling i-suspend ang Elective Operations na kabilang sa kanilang protocol.
Samantala mayroon ng 10 pasaherong pinoy na galing HK ang kasalukuyang isina-ilalim ngayon sa 14 day quarantine sa Eversley Child Sanitarium General Hospital ng Mandaue City, Cebu.
Ito’y matapos nag order si Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia ng quarantine bago ang travel ban.
Ito umano ang unang unang batch na isinailaim sa quarantine matapos dumating ngayong araw Mactan Cebu International Airport (MCIA).
Plano din ngayon ng Provincial Gov’t na sa pamamagitan ng kanilang binuong 2019 Novel Corona Virus Task Force na ipa-home quarantine ang ibang hindi na magkasya sa mga quarantine hospitals.