
Inanunsiyo ng National Bureau of Investigation (NBI) na suspendido na ang Clearance Processing sa lahat ng areas na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ngayon hanggang Agosto 18.
Sinabi ni NBI Officer-In-Charge Eric B. Distor na ang mga areas na covered ng suspension ay National Capital Region (NBI), Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Lahat ng clearance processing at satellite offices sa mga nasabing lugar ay suspendido ang operasyon sa buong duration ng MECQ.
Suportado naman ng NBI ang desisyon ng national government na ilagay ang naturang mga area sa ilalim ng MECQ para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inabisuhan ang publiko na kanselahin ang clearance transactions ngayong quarantine period.










