Pinayuhan ng National Bureau of Investigation ang publiko na iwasan ang paggamit ng AI-powered photo generator apps, dahil maaari umano itong magamit para sa identity theft at iba pang scams.
Ito ay matapos mag-viral ang AI-powered application na gumagawa ng high school yearbook photos na nagmumukhang kinunan noong 90s.
Ang paid app, na ginagamit rin ng mga celebrity at influencer, ay nirere-require ang mga user na mag-upload ng 8-12 selfies.
samanatala, ang mga isinumiteng larawan, sabi ng NBI, ay maaaring magamit upang gumawa ng mga pekeng profile na humahantong sa mga insidente ng identity theft, data breaching, sexual exploitation, phishing attacks, ransomware attacks, at iba pang malicious activities.
Binigyang-diin ng NBI ang kahalagahan ng online safety at privacy dahil hinimok nito ang publiko na maging mapagbantay sa personal information na kanilang ibinabahagi sa internet.