Hindi na itutuloy ni National Bureau of Investigation (NBI) Melvin Matibag ang pagbiyahe sa Bangkok, Thailand para sana dumalo sa regional summit na nakatakdang ganapin sa Hulyo 21 hanggang 22.
Kinumpirma ito ng NBI chief ngayong Huwebes, Hulyo 16 upang makadalo at tumestigo sa impeachment trial sa Lunes, Hulyo 20.
Bagamat ikinalungkot din ng NBI chief ang nasayang na pagkakataon dahil target sana niyang matalakay ang ilang mga isyu, intelligence network at karagdagan pang koordinasyon kay Federal Bureau of Investigation Director Kash Patel sa kanilang face-to-face meeting.
Bagamat nakipag-ugnayan na aniya siya kay Director Patel at hihilingin na lamang nila na isagawa ang mga ito sa ibang pagkakataon.
Una rito, inimbitahan ng FBI chief ang NBI na dumalo sa regional summit dahil isa ang kawanihan sa tumulong sa mabilis na pagbabalik sa isa sa most wanted sa Amerika.
















