Agad papasok na raw ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagkamatay ng prosecutor sa bahagi ng Qurino, Avenu sa Maynila.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, agad niyang ipinag-utos sa NBI na magsagawa ng malalmang imbestgasyon sa pagkamatay ni Manila Chief Inquest Prosecutor Jovencio Senados.
Sinabi naman ni Prosecutor General Benedicto Malcontento na gagawin nila ang lahat at mag-a-avail sila ng resources ng Department of Justice (DoJ) para mabigyan ng agarang hustisya ang biktima.
Ayon sa National Union of People’s Lawyer (NUPL), si Senados ang ika-50 na abogado/prosecutor/judge na napaslang sa ilalim ng Duterte administration.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nakaligtas ang driver pero dead on the spot ang piskal.
Samantala puspusan naman ang pagtugaygay ng Manila police sa posibleng dinaanan ng mga suspek na agad na tumakas sakay ng black SUV.
Sa ngayon patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa naturang krimen.