-- Advertisements --
Record breaking sa kasaysayan ng NBA ang nakuhang deal ni two-time NBA Most Valuable Player Nikola Jokic sa Denver Nuggets para sa limang taon na extension na kanyang kontrata.
Ang $264 million deal ay tinawag na supermax contract na siyang itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng liga.
Ang naturang halaga ay katumbas ng mahigit sa P14.5 billion.
Ang nakakalulang kontrata ng Serbian superstar ay kasabay ng pagsisimula rin ng mga negosasyon ng mga NBA teams kaugnay ng free agency.
Una na ring nagpahiwatig si Jokic na nais pa rin niyang manatili sa team dahil sa maganda nilang relasyon.
Noong huling season ay hindi umubra ang Denver sa Golden State Warriors pagsapit sa playoffs.
Ang Warriors nga ang nangingibaw sa huli bilang kampeon.