Ginulantang ni NBA superstar Kevin Durant ang liga at mga fans sa lumabas na report na nais na niyang bumitaw sa Brooklyn Nets kahit meron pa itong umiiral na mahabang kontrata.
Meron kasi itong apat na taong natitirang kontrata sa Nets.
Sinasabing maraming teams ang binulabog ni Durant nang lumabas ang impormasyon na hangad niya sana ang bagong deal at mas gusto raw niya sa Phoenix suns o kaya sa Miami Heat.
Ang trade request ni Durant ay kasabay ng pagbubukas ngayon ng free agency sa mga teams upang makipagnegosasyon sa mga players na wala pang mga mga kontrata upang palakasin ang kanilang line-up sa papasok na bagong season.
Ang 33-anyos na veteran na si durant ay una nang pumirma sa Nets noong 2021 para sa apat na taon na nagkakahalaga ng $198 million.
Ang kanyang teammate naman na si Kyrie Irving ay nagdesisyon na rin na manatili muna sa koponan.