-- Advertisements --

Naitala ni Devin Booker ang season-high na 49 points at 10 assists para talunin ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets 140-130.

Nag-ambag naman ng 22 points si Mikal Bridges habang mayroong 16 points si Deandre Ayton, 12 points ang naitala ni Jae Crowder at 17 points ang naitala ni Chris Paul.

Nasayang naman ang nagawang 28 points ni Nikola Jokic, 23 points ni Bones Hyland at 21 points ni Aaron Gordon.

Tinambakan naman ng Memphis Grizzles ang Indiana Pacers 133-103.

Naging bayani sa panalo ng Grizzles si Desmond Banes na nagtala ng 30 points.

Hindi naman umubra ang nagawang 25 points Lance Stephenson kung saan ito na rin ang pitong pagkatalo ng Suns sa 10 laro nila.

Nangibabaw naman sa home court advantage ang Milwaukee Bucks namg talunin nila ang Washington Wizards 114-102.

Naitala nila ang walong magkakasunod na panalo ng koponan.

Nanguna sa panalo ng Bucks si Jrue Holiday na nagtala ng 24 points at 10 assists.

Umabot pa ng 26 points ang kalamangan ng Bucks subalit nailapit ito ng Wizards sa pamamagitan ni Kentavious Caldwell-Pope.

Samantala, hindi naman pinaporma ng New Orleans Pelicans ang Chicago Bulls 126-109.

Nagtala ng 30 points si Devonte Graham habang mayroong 15 points at dalawang assists si Jose Alvarado para sa panalo ng Pelicans.

Nasayang naman ang ginawang 39 points ni Zach LaVine habang mayroong 23 points si Coby White at 16 points si Nikola Vucevic para sa Bulls.