-- Advertisements --

Wala pa ring kasiguraduhan kung mananatili sa Brooklyn Nets ang NBA superstar na si Kyrie Irving.

Sinasabing hindi pa rin daw magkasundo sa negosasyon kung tatanggapin pa rin ni Irving ang $36.9 million option na ituloy pa rin ang paglalaro sa koponan hanggang sa mga susunod na season.

Kung hindi umano tatanggapin ng seven-time All-Star ang alok ng Brooklyn malalagay siya sa free agency at tiyak na pag-aagawan ng iba pang mga teams.

Kapag nangyari ito ay mamemeligro ang diskarte ng Brooklyn at malaking kawalan sa kanilang kampanya lalo na at hindi na mabubuo muli ang Irving at Kevin Durant tandem na madadagdagan pa ni Ben Simmons.

Batay sa mga lumabas na mga report, kabilang sa mga interesado umano na makuha si Irving ay ang Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers at New York Knicks.