Nagtala ng 33-points career high si Dejounte Murray para talunin ng San Antonio Spurs ang Houston Rockets 123-120.
Nag-ambag naman ng 21 points, nine reobunds si Keldon Johnson habang mayroong 17 points, 13 rebounds si Jakob Poeltl at 13 points at walong rebounds si Zach Collins.
Umabot pa ng hanggang 16 points ang naging kalamangan ng Spurs hanggang mailapit ito ng Rockets sa last quarters.
Hindi naman pinaporma ng New York Knicks ang Chicago Bulls 109-104.
Dinala ni RJ Barrett ang Knicks na nagtala ng 28 points habang mayroong 27 points si Alec Burks.
Mayroong 16 points at 12 rebounds si Mitchell Robinson at 17 points ang nai-ambag ni Obi Toppin.
Umabot pa ng 11 points ang kalamangan ng Bulls sa first quarter hanggang ito ay tuluyang makontrol ng Knicks ang laro.
Tumipa naman ng 29 points si Bogdan Bogdanovic habang mayroong 22 points at 15 rebounds si Clint Capela habang 14 points at season high assists na 16 si Trae Young para tuluyang talunin ng Atlanta Hawks ang Indiana Pacers.
Nag-ambag naman ng 22 points si Kevin Huerter habang mayroong 12 points si rookie Jalen Johnson.
Pinahiya naman ng Denver Nuggets ang Charlotte Hornets 113-109.
Nagtala ng triple double si Nikola Jokic na mayroong 26 points, 19 rebounds at 11 assists.
Habang mayroong 21 points habang mayroong 18 points at tig 14 points sina Jeff Green at Monte Morris.










