-- Advertisements --

Desidido si Victor Wembanyama na makakuha ng gintong medalya para sa bansang France sa Paris Olympics 2024.

Kasunod ito sa interest ng San Antonio Spurs rookie player na makapaglaro sa koponan ng France.

Ang pahayag na ito ni Wembanyama ay matapos na nabigo ang France sa FIBA Basketball World Cup.

Aminado nito na nakakadismaya ang performance ng France kaya nais niyang ibangon ito pagdating ng Olympics.

Magugunitang hindi na ito sumali sa World Cup para mapagtuunan niya ng pansin ang paglalaro niya bilang rookie sa NBA.