-- Advertisements --

Agaw pansin sa game 2 ng NBA finals ang pagsusuot ng orange t-shirts ng players at coaches bilang panawagang pairalin na ang mahigpit na gun control law upang matuldukan ang gun violence sa kanilang bansa.

Nag-ugat ito sa sunod-sunod na kaso ng pamamaril, kung saan ang iba rito ay nangyari pa sa mga paaralan at hospital.

Nakiisa rito ang ilang players ng Golden State Warriors at Boston Celtics, kung saan ginamit nila ang statement shirt habang nasa warm-up.

Sa harapang bahagi, nakasulat ang “end gun violence,” habang sa likuran naman ang mga grupong kaisa sa nasabing kampanya.

Panawagan din nilang aksyunan na ng mga mambabatas ang mas mahigpit na patakaran sa pagdadala at pagmamay-ari ng armas.

Sina Warriors coach Steve Kerr at Celtics coach Ime Udoka ay kabahagi rin sa nasabing panawagan.