-- Advertisements --

All set na bukas, Miyerkules ang simula ng NBA play-in tournament.

Sa Eastern Conference unang magbabanggaan ang number 8 na Cleveland Cavaliers laban sa number 7 na Brooklyn Nets.

Sa Huwebes ay magtutuos naman ang No. 10 na San Antonio Spurs kontra sa No. 9 na New Orleans Pelicans.

Sa Sabado gaganapin ang laban ng mananalo sa pagitan ng Spurs at Pelicans kontra naman sa natalo sa pagitan ng Clippers at Wolves.

Ang mananalo naman sa Sabado ang siyang tatanghaling seventh seed sa East at haharapin ang Boston Celtics sa first round ng playoffs.

Habang ang winner naman sa Sabado na siyang magiging seeded No. 8 ay lalabanan ang number 1 seed na Miami Heat.

Samantala sa bahagi naman ng Western Conference, naka-schedule ang laro bukas ng Los Angeles Clippers versus Minnesota Timberwolves.

Sa Huwebes gaganapin ang harapan ng San Antonio Spurs at New Orleans Pelicans.

Sa Sabado rin magtutunggali ang mananalo sa pagitan ng Spurs at natalo sa game ng Clippers at Wolves.

Ang mananalo naman sa Clippers at Wolves ang siyang magiging No. 7 seed sa Western na siyang haharapin ng Memphis Grizzlies.

Ang mananalo sa Sabado sa Western ang siyang magiging seeded No. 8 upang harapin ang powerhouse team at No. 1 na Phoenix Suns.

Sa darating na April 16 aarangkada na rin ang first round ng NBA playoffs.