-- Advertisements --

Nakatakdang dumating sa bansa sina NBA legends Carmelo Anthony at Pau Gasol para manood ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ang dalawa kasi ay parehas na global ambassador ng FIBA.

Sa kaniyang social media sinabi ni Anthony na nais niyang masaksihan kung sino ang magiging bagong World Cup champions.

Nasa bansa na si Anthony noong Pebrero kung saa ipinakilala siya bilang ikatlong ambassador.

Naglaro siya sa ilang koponan gaya ng New York Knicks, Oklahoma City Thunder at Los Angeles Lakers.

Naging bahagi rin siya sa USA Basketball team na nakakuha ng gintong medalya sa Olympics noong 2008, 2012 at 2016.

Habang ang 7-foot-1 na Spanish player na si Gasol ay naglaro sa World Cup noong 2006 kung saan nagkampeon ang Spain.

Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas na magkakaroon ang 43-anyos na si Gasol ng meet and greet sa Mall of Asia Music Hall sa Setyembre 7.