-- Advertisements --

Nakapagtala ng panibagong record si NBA legend Michael Jordan.

Nakasama kasi siya sa listahan ng Forbes 400 America’s wealthiest.

Nakapasok si Jordan sa pang 379 matapos na ibenta niya ang mayorya ng kaniyang stake sa Charlotte Hornets noong nakaraang mga buwan.

Base sa pagtaya ng Forbes na mayroong kabuuang yaman ang NBA star na $3 bilyon.

Taong 2015 ng pasok na rin ang Chicago Bulls star sa billionaire status dahil sa endorsements niya ng mga iba’t-ibang produkto.

Killala din siya sa pagiging philanthropy kung saan nagbigay ito ng $10 milyon bilang donasyon sa Make-A-Wish America kasabay ng kaniyang ika-60th birthday.