-- Advertisements --

Nasa bansa si NBA legend Dirk Nowitzki para dumalo sa drawlots ng FIBA World Cup 2023 na gaganapin sa araw ng Sabado.

Ang dating Dallas Mavericks star at German basketball star ay makakasama ang kapwa FIBA World Cup Global Ambassador na si Luis Scola.

Kabilang sa Seed number 3 ang Germany kasama ang Greece, Italy at Brazil kung saan maari silang mapasama sa Group A at C na ang laro sa Pilipinas sakaling sa Group E naman ay sa Japan sila maglalaro habang sa Indonesia maglalaro ang mga mapapabilang sa Group G.

Kasama si Nowitzki ng magkampeon ang Dallas Mavericks noong 2011 NBA Finals at siya rin ay tinanghal na 2007 Most Valuable Player.

Taong 2015 ng magdesisyon ito ng magretiro na lamang sa paglalaro sa NBA.