Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon ang NBA laban sa Philadelphia Sixers dahil sa umano’y posibleng tampering sa pinasukang kontrata ngayong summer agency na kinapapalooban nina James Harden, P.J. Tucker at Danuel House.
Kabilang sa aalamin ng NBA ay ang desisyon ni Harden na tanggihan ang $47.4 million player option para sa season 2022 at 2023 at sa halip ay pumayag na bawasan ang kanyang sweldo para tanggapin ang dalawang taon na kontrata na nagkakahalaga ng $68 million.
Samantalang sina Tucker (may 3-yrs., $30-M) at House (may yars, $8.4 million) ay pumayag naman sa mga maximum contracts.
Naging usap-usapan daw ang posibleng na matagal nang plantsado ang kontrata na kung totoo ito, ay maituturing na isa itong paglabag sa collective bargaining rules.
Sa ngayon kabilang sa ipinatawag ng NBA ay ang presidente ng Sixers ganon din mga team personnel.
May nangyari na rin ng ganitong sitwasyon kung saan pinatawan ng parusa ng NBA ang Chicago Bulls at Miami Heat at inalisan ng karapatan sa second-round pick.










