-- Advertisements --

Pasok na rin sa NBA semifinals ang Milwaukee Bucks matapos na ilampaso ang Chicago Bulls, 116-100, sa Game 5 sa nagpapatuloy na first round series.

Nanguna sa diskarte ng Bucks si Giannis Antetokounmpo na nagpasok ng 33 points at nine rebounds.

Ang third-seeded na Bucks ay uusad na sa second round upang harapin naman ang second-seeded na Boston Celtics.

Magsisimula na ang Game 1 sa Lunes sa Eastern Conference semifinals doon sa teritoryo ng Boston.

Una nang na-sweep ng Celtics ang Nets.