-- Advertisements --
Binisita nina NBA Champion Klay Thompson at Kevon Looney si 8-division World Champion Manny Pacquiao sa kanyang bahay.
Nasa Pilipinas sina Thompson at Looney upang dumalo sa isang basketball tournament dito sa bansa, na walang kaugnayan sa FIBA World Cup.
Paglapag sa Pilipinas, walang sinayang na sandali ang dalawang Warriors champion upang magtungo sa bahay ng Pinoy legend sa Makati City.
Naglaro rin sina Thompson at Pacquiao ng chess habang nagkakamustahan.
Samantala, bago babalik sa US, plano ng dalawang NBA star na makipagkita muna kay GSW at kasalukuyang Team USA headcoach Steve Kerr.