-- Advertisements --

Sinimulan na ng Russia ang kanilang naval exercises sa karagatan ng Japan at Okhotsk Seas.

Ayon sa Russian Defense Ministry na magtatapos ang nasabing naval exercise ng hanggang Hunyo 20.

Mayroon mahigit 60 warships at support vessels ganun din ang 35 naval aviation aircraft ang kasama rin.

Isasanay dito ang nasa 11,000 na mga military personnel sa Pacific Fleet forces groupings.