Hinikayat ng Government Service Insurance System (GSIS) ang mga naulila ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF 44) na maging empleyado ng kompanyang pag-aari ng pamahalaan.
Ayon kay GSIS officer in charge Rolando Macasaet, tugon ito ng kompanya sa apela ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing prayoridad ang pagbibigay ng trabaho sa mga kamag-anak ng SAF 44.
Kailangan lang daw dumaan sa evaluation ng standard operating procedures ang mga naulilang magnanais na pumasok sa GSIS para malaman kung sila ay qualified.
Sa ngayon, apat mula sa mga kamag-anak daw ng SAF 44 ang nagta-trabaho sa tanggapan ng GSIS sa Zamboanga.
May dalawang aplikasyon na rin daw ang patuloy na pino-proseso.
“It is not easy to fill the void left by the SAF 44 as breadwinners. We would like to give their families a source of income by working in GSIS. At the same time, they will be augmenting our operational requirements to better serve our members and pensioners.”